Martes, Setyembre 18, 2012

HINDI MADALI MAGING TAMBAY


Nung nag aaral pa ako,iniisip ko na masarap ang buhay tambay!Hindi mo kailangan gumising ng maaga,gumawa ng homework o mag recite ng kung ano-anong mga walang kwentang bagay sa harap ng klase. Hindi mo rin kailangang mag memorize ng mga pangalan ng mga taong hindi mo naman kakilala at magsolve ng napakahabang problems na hindi mo magagamit kahit sa pagbili ng softdrinks.
Buhay tambay yan talaga ang pangarap ko , wala kang gagawin kundi manood ng tv maghapon,pwede kang magpuyat dahil hindi na kailangang gumising ng maaga para maghanda sa eskwela,ni hindi mo na rin kailangang makipag-plastikan sa mga prof mo para lang sa grade na INC. o 3.
"Ngayong naka graduate na ko, natupad na rin ang pangarap ko maging tambay.". 
Walang trabaho,kain,tulog,maghapon sa bahay nanonood ng tv,24 hours bukas ang computer (at eto nag ba-blog) ,sarap ng buhay??? yun ang akala ko dati,ngayon ko nalaman na sobrang boring pala pag sa bahay ka lang lalo pa kung nakatira ka sa lugar na hindi lumalabas ng bahay ang mga kapitbahay mo(tulad dito samin) .Pero may solusyon naman jan,yun ay ang gumala :D
Yun nga lang, kung lalabas ka ng bahay syempre kaylangan mo ng budget. Dito ko nalaman na mahirap na pala humingi ng pera pag graduate ka na. Madalas mo na rin maririnig ang: "MAG HANAP KA NA NG TRABAHO" (pero pag naririnig ko ang mga salitang yan,nagbibingi-bingihan na ko).
Hayy,,ang hirap tumambay!!Nung nag aaral pa ko,ang dali lang humingi ng pera,sasabihin ko lang ng may project,may babayaran sa school o kahit sabihin ko lang na nagugutom na ko,binibigyan na ko kagad ng allowance,kahit kakakuha ko pa lang!!
Pag graduate ka na,bibigyan ka lang ng pera ng parents mo pag sasabihin mong mag hahanap ka ng trabaho..(sabay derecho sa bahay ng tropa para sa happy-happy,yan ang mga teknik :D ),kung alam ko lang na ganito pala ang buhay after college,sana nagpaka-bobo na lang ako para nagtagal ako sa pag aaral..dahil ngayon sigurado na ko...
MASARAP ANG BUHAY ESTUDYANTE!!
Totoo masakit sa ulo,pero at least may sigurado kang pera ,hindi ka rin masyadong mabobored dahil libre mam-bully,nakapaligid na rin ang mga tropa mong mangdedemonyo para sa cutting classes o inuman sessions,oh di ba happy??
Kaya kung nabasa mo toh at nag-aaral ka pa,wag kang magmadali, sinasabi ko sayo wag mong pahirapan ang sarili mo kakareview, okay lang bumagsak ang mahalaga ay nag-eenjoy ka sa buhay mo!!Wag kang mag alala sa future mo nandyan pa rin yan..at maghihintay sayo kailangan mo lang hukayin (hahaha).
>:D (greedy smile)
PARA NAMAN SA MGA TAMBAY NA RING TULAD KO
Sad to say mga tropa, kailangan na nating kumilos para sa mga sarili natin..hindi habang buhay may malalaglag na bayabas sa puno, o may mga tatanga-tangang magpapaholdap.Walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo.Kaya tara na TULOG MUNA,TAMAD TAYO 'DI BA?
credits to: http://isip-bata.deviantart.com/ para sa ginamit kong image!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento